Natapos na ang tatlong buwang closed fishing season sa Palawan.
Ibig sabihin, pwede na ulit manghuli ng isda sa fishing ground ng probinsya.
Dahil dito, ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Spokesperson Nazario Briguera, asahang bababa na rin ang presyo ng galunggong sa mga susunod linggo.
Base sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), naglalaro sa ₱200 hanggang ₱330 ang presyo ng kada kilo ng lokal na galunggong.
Samantala, sa February 15 pa matatapos ang closed fishing season sa Visayan Sea at Zamboanga Peninsula na mayaman din sa mga isdang gaya ng sardinas, tawilis at mackerel.
Facebook Comments