Libya – Isinara at ipinatigil ang operasyon ng pinakamalaking oil field na El Sharara sa Libya.
Ito ay matapos na atakehin ng ilang mga miyembro ng tribong fessan anger movement sa katimugang bahagi ng bansa.
Ayon sa isang field engineer ng nasabing oilfield, hindi pa matukoy kung hanggang kailan ititigil ang operasyon ng El Sharara.
Bunsod nito, pinangangambahan na makaapekto ito sa produksyon ng langis ng libya lalo at umaabot sa mahigit 300,000 bariles ang kanilang nagagawa sa kada araw.
Facebook Comments