Cloth masks, dapat labhan pero hindi dapat gamitan ng gasolina

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na pwedeng paulit-ulit na gamitin ang cloth masks.

Matatandaang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukod sa alcohol at disinfectant spray, pwede ring gamitin ang gasolina para i-disinfect ang mga face masks.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pagkatapos gamitin ay dapat labhan ang mga ito.


Paglilinaw rin ni Vergeire na hindi pwedeng buhusan ng gasolina ang cloth mask para i-disinfect ang mga ito.

Aniya, posibleng nagbibiro lamang ang Pangulo nang sinabi niya ang mga ito.

Dagdag pa ni Vergeire, ang surgical at N95 mask ay isang beses lamang dapat gamitin at itapon agad pagkatapos gamitin.

Facebook Comments