Sa pagsisimula ng taong 2026, napili ang “Cloud Dancer” bilang Lucky Color of the Year, na sumisimbolo ng kapayapaan, linaw ng isipan, at panibagong pag-asa para sa bagong taon.
Kasabay nito, dahil papasok ang 2026 sa Year of the Fire Horse, itinuturing ding masuwerte ayon sa Feng Shui ang pula para sa tapang at tagumpay, berde para sa paglago at kasaganahan, at ginto bilang simbolo ng yaman at magandang kapalaran.
Ayon sa mga eksperto, mainam umanong gamitin ang mga kulay na ito sa pananamit, tahanan, at negosyo upang makahikayat ng positibong enerhiya ngayong taon.
Gayunman, paalala pa rin na higit pa ang halaga ng sipag, tiyaga, at mabuting hangarin, sapagkat ang tunay na swerte ay nagsisimula pa rin sa sariling gawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








