Sinimulan ng Bureau of Soil and Water Management (BSWM) ang cloud-seeding operations sa tatlong dam.
Ito ay upang makalikha ng artificial rain at dagdagan ang level ng tubig sa mga pasilidad.
Ang BSWM ay sa ilalim ng Department of Agriculture (DA), na nakapagsagawa na ng cloud seeding sa Ipo, La Mesa at Angat Dam nitong Martes, May 7.
Ang mga nasabing dam ang nagsu-supply ng tubig sa Metro Manila at irigasyon sa mga palayan sa Central Luzon.
Ayon kay BSWM project officer Mary Joy David – mula sa Plaridel Airport sa Bulacan ay lumipad ang aircraft na may 25 sako ng iodized salt para sa cloud seeding operations.
Sinabi ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr. – patuloy ang kanilang monitoring kung ang mga nararanasang pag-ulan at cloud seeding ay nakakapagdagdag ng tubig sa Angat Dam.
Epektibo sa May 16, ihihinto ang irrigation supply sa rice plantations sa Bulacan at Pampanga.