Ikinakasa na ang cloud seeding operation para mapataas ang tubig sa Angat Dam sa Bulacan.
Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), isasagawa ang cloud seeding sa ibabaw ng Angat sa susunod na linggo.
Sa ngayon ay hinihintay na lang aniya ang forecast ng PAGASA sa lugar upang malaman ang tamang klase ng ulap para maging “seeable” sa gagawing operasyon.
Sa ngayon ay patuloy pang bumaba ang water level sa Angat.
Kaninang alas sais ng umaga ay nasa 177.03 meters na lamang ang antas ng tubig ng dam, mas mababa kumpara sa naitalang 177.05 meters kahapon.
Patuloy rin ang pagbaba sa antas ng tubig sa Ipo, Ambuklao, Magat, Caliraya at Binga Dam.
Facebook Comments