Cloud seeding operations, isasagawa sa susunod na linggo

Magsasagawa ang cloud-seeding operations sa susunod na linggo para maibsan ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David – isasagawa ang cloud seeding sa May 6.

Ito aniya ang tamang panahon para maghanap ng seedable clouds.


Bago pa man umabot sa critical level ang Angat Dam, ang MWSS at NWRB ay iminungkahi na ang cloud seeding subalit ang nahihirapan sila dahil sa kalidad ng ulap.

Maliban dito, ipatutupad din ng NWRB sa ikalawang linggo ng Mayo ang suspensyon ng alokasyon ng tubig sa irigasyon.

Facebook Comments