Sinimulan na ngayong araw ang cloud seeding operations para maibsan ang epekto ng El Niño o tag-tuyot sa iba’t ibang lugar ng bansa.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), unang gagawin ang cloud seeding sa Cauayan City sa Isabela para naman matubigan ang nanunuyong pananim duon.
Isinagawa ng Air Force ang cloud seeding ngayong araw matapos na aprubahan ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction & Management Council ang hiling ng Agriculture Department.
Ang Philippine Air Force ang bahala mga kagamitan tulad ng Eroplano habang ang tauhan ng DA naman ang siyang tutukoy sa mga lugar na pagdarausan ng cloud seeding.
Habang hindi pa mabatid kung kailan isasagawa ang cloud seeding sa bahagi ng Angat, Ipo at La Mesa Dam na siyang pangunahing kinukuhanan ng tubig ng Metro Manila.