Cloud seeding, sagot sa kakulangan ng suplay ng tubig

Iminungkahi ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na pag-ibayuhin ang pagsasagawa ng cloud seeding sa gitna ng nararanasan ngayong El Nino o matinding tagtuyot.

Pahayag ito ni Tulfo sa harap ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam na siyang tumutugon sa 90% na pangangailangan sa tubig ng buong Metro Manila.

Binanggit ni Tulfo na ilang residente sa Bulacan ang naka-antabay kung kailan magsasagawa ng cloud seeding upang madagdagan ang tubig sa Angat Dam.


Diin ni Tulfo, matagal nang ginagawa ang cloud seeding para umulan sa isang lugar.

Kaugnay nito ay sinabi naman ni ACT-CIS Partylist Representative Jocelyn Tulfo na makabubuting magtulungan ang Department of Science and Technology (DOST) at Department of National Defense (DND) para maumpisahan na ang cloud seeding program.

Facebook Comments