Clover Biopharmaceuticals, sinimulan na ang COVID-19 clinical trials sa Pilipinas

Kinumpirma ng Department of Science and Technology (DOST) na nagsimula na ang vaccine clinical trials sa bansa ng Clover Biopharmaceuticals ng China.

Una nang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang independent clinical trial application ng nasabing Chinese pharmaceutical company.

Bukod dito, tatlong vaccine developers din ang binigyan ng go signal para gawin ang Phase 3 trials sa bansa, ang Clover, Sinovac Biotech at Janssen Pharmaceuticals.


Ayon kay DOST Undersecretary at Task Group on Vaccine Evaluation and Selection (TG-VES) Head Rowena Guevarra, nagpapatuloy ang pagpapadala ng supplies at materials ng Clover sa bansa.

Para sa Sinovac, wala pa aniyang petsa kung kailan magsisimula ang clinical trials.

Pagtitiyak ni Guevarra na hindi makakaapekto sa clinical trials ang umiiral na enhanced community quarantine sa NCR+ bubble.

Facebook Comments