CLUE | Itatalagang “Press Secretary” taga ABS-CBN ayon kay PRRD

994

Manila, Philippines – Nagbigay ng clue si Pangulong Rodrigo Duterte sa kung sino ang itatalaga niya bilang Press Secretary.

Sa interview kay Pangulong Duterte ay sinabi nito na taga ABS-CBN ang kanyang napupusuan na italaga bilang Press Secretary.

Paliwanag pa ng Pangulo, gusto niyang mediaman ang itatalaga niya bilang Press Secretary na magsisilbi rin niyang Presidential Spokesman.

Matatandaan na sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na nasa tanggapan pa ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang draft ng EO na bubuo sa Office of the Press Secretary (OPS) at ang clue naman na ibinigay nito ay magandang lalaki ang napupusuan ni Pangulong Duterte na talaga bilang kalihim nito.

Facebook Comments