Clustering o pagdami ng kaso ng water-borne diseases, naitala ng DOH sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Odette

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng clustering o pagdami ng kaso ng water-borne diseases o yung sakit na nanggagaling sa tubig sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Odette.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, naganap ito sa Dinagat District Hospital kung saan nakapagtala ng 80 kaso ng acute gastroenteritis sa mga pasyenteng naka-admit sa ospital.

Sa Siargao District Hospital, 54 na pasyente ang nagkaroon ng diarrhea at patuloy na ginagamot.


Patuloy naman ang pagberipika ng DOH sa 16 kaso ng diarrhea sa Cebu Province.

Sa ngayon, umabot na sa pito ang nasawi habang nasa 120 indibidwal ang naospital dahil sa diarrhea sa Siargao Island at Surigao del Norte matapos ang pananalasa ng bagyo.

Facebook Comments