Co-accused ni Atty. Harry Roque at Cassy Ong, arestado ng CIDG sa Pampanga

Naaresto sa pamamagitan ng manhunt operation ng Creminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3 – Special Operations Team katuwang ang CIDG Pampanga Provincial Field Unit ang isa sa mga kapwa akusado ni Atty. Harry Roque at Cassy Ong.

Kinilala ng CIDG ang suspek na si alyas “Marlon” na nasakote sa Brgy. Tabun, Mabalacat City, Pampanga.

Si alyas Marlon ay isa sa 49 na kapwa akusado ni Roque dahil sa paglabag sa RA 9208 (Anti- Trafficking in Peraons Act of 2003) dahil sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa Porac, Pampanga.

Si Marlon ang operation officer ng security agency na nagbabantay sa Lucky South 99 kung saan naganap ang trafficking na naging dahilan ng paglalabas ng arrest warrant laban sa 51 akusado.

Wanted din ito dahil sa 10 counts ng qualified trafficking in persons kung saan walang inirekumendang pyansa ang hukuman.

Kasunod nito, nagbabala si CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III sa iba pang mga akusado na sumuko na lamang dahil tuloy-tuloy sa pagtugis ang binuong tracker team ng Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments