Co-accused ni Cedric Lee, sumuko sa NBI

Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang akusado sa kasong illegal detention sa TV host-actor na si Vhong Navarro.

Ayon sa NBI, sumuko na sa kanilang tanggapan sa Quezon City si Ferdinand Guerrero.

Kasama rin ni Guerrero ang kanyang abogado.


Sumuko si Gurrerro ilang araw matapos hatulan ng guilty ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 ang mga akusado.

Kabilang sa mga na-convict ang negosyanteng si Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Simeon Raz.

Hinatulan sila ng korte ng ‘reclusion perpetua’ o hanggang 40 taong pagkakabilanggo.

Facebook Comments