Co-accused sa kasong droga na sinasabing pamangkin at former aide ni Sen. De Lima, arestado ng NBI

372

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation o NBI-Pampanga ang isa sa co-accused ni detained Senator Leila de Lima sa kasong illegal drug trade sa National Bilibid Prison (NBP).

Kinilala ang nahuli na si Jose Adrian Dera, na sinasabing dating aide ni de Lima.


Ayon sa mapagkakatiwalaang source mula sa NBI, nahuli si Dera sa Pampanga kaninang umaga lamang.

May dalawang taong nagtago si Dera, matapos na masabit sa kasong illegal drug trade sa Bilibid na kinakaharap ni de Lima.

Nang hingan ng pahayag ang kampo ni De Lima ukol sa pagkaka-aresto kay Dera, sinabi ni Ferdie Maglalang ang chief Media and Communications officer ng senadora na wala pa silang statement.

Pero matagal na nilang pinabulaanan na pamangkin ni de Lima si Dera at hindi rin naging aide kailanman ni de Lima si Dera.

Facebook Comments

From Advertisers