
Mayroon nang mauunang masasampahan ng kaso ngayong linggo o sa susunod na linggo ang umano’y sangkot sa maanomalyang proyekto ng flood control.
Sa press conference ngayong hapon sa Office of the Ombudsman sinabi ni Ombudsman Boying Remulla, unang masasampolan sina dating Cong. Zaldy Co, mga Department of Public Works and Highways (DPWH) Official sa Mimaropa at ang Sunwest kaugnay sa anomalya sa proyekto sa Oriental Mindoro.
Higit 10 ang sasampahan ng kasong malversation, bukod pa sa ibang mga kaso sa Department of Justice.
Facebook Comments









