Hanggang Disyembre ngayong taon ay mananatili sa pwesto ang mga Co-Terminus employees ng Office of the President.
Ito ang nakasaad sa inilabas na Memorandum Order Number 7 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang September 27, 2022.
Batay sa kautusan, binigyang diin na ang pangunahing layunin nito ay hindi maputol ang pagseserbisyo sa gobyerno ng Office of the President.
Ang kautusan ay magiging epektibo hanggang sa nabanggit na petsa maliban na lamang kung ito ay mapawawalang bisa, tatanggapin ang kanilang resignation o mapapalitan sila at may mga bagong itatalagang mga opisyal at kawani para sa kanilang mga posisyon.
May una nang kautusan na inilabas si dating Executive Secretary Victor Rodriguez, pero dahil nagbitiw na ito sa pwesto at wala na sa Malacañang, kailangang muling maglabas ng bagong memorandum ang bagong Executive Secretary.
Sa panig naman ng mga kawani ng Office of the President, nagpasalamat ang human resource management office ng Palasyo sa inilabas na memo ni Bersamin.