COA, bumubuo na ng task force na magsagawa ng fraud audit sa umano’y overpriced at outdated laptops na binili ng Procurement Service ng DBM para sa mga guro, ayon sa DepEd

Bumubuo na ng task force ang Commission on Audit (COA) na magsasagawa ng fraud audit sa umano’y overpriced na mga laptop na binili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) para sa mga guro.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Spokesperson Atty. Michael Poa, magiging layunin ng naturang task force ang mag-imbestiga kung mayroon talagang katiwalian sa nangyaring transaksyon.

Maliban kasi sa mamahalin, ay lumalabas din na outdated ang mga laptop na binili para sa mga pampublikong guro.


Samantala, sinabi naman ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio na mahalaga ang fraud audit ng COA.

Aniya, dedepende kasi rito ang takbo na tatahakin ng DepEd upang maging gabay sa kanilang mga magiging susunod na aksyon.

Facebook Comments