COA Commissioner Lipana, dapat magbitiw kasunod ng report na nakakuha ng flood control projects ang kanyang misis

Iginiit ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na dapat magbitiw sa pwesto si Commission on Audit o COA Commissioner Mario Lipana alang-alang sa integridad at kredibilidad ng komisyon.

Sinabi ito ni Tinio makaraang nakumpirma sa budget hearing ng House Appropriations Committee na nakakuha ng flood control projects ang misis ni Lipana na si Marilou Laurio-Lipana na syang presidente at general manager ng Olympus Mining and Builders Group Philippines Corp.

Diin ni Tinio, ang sitwasyon ni Lipana ay paglabag sa konstitusyon.

Ayon kay Tinio, ang milyones na halaga ng kontrata at proyektong nakuha ng kanyang misis sa gobyerno ay malinaw na nagpapakita ito ng conflict of interest sa panig ni Lipana.

Hindi naman nakadalo sa budget hearing si lipana dahil ito ay naka-medical leave at nasa Singapore.

Facebook Comments