COA findings, daan para makatutok sa kanyang laban si Olympic pole vaulter na si EJ Obiena

Ikinagalak ni Senador Francis Tolentino ang resulta ng imbestigasyon ng Commission on Audit (COA) na naglilinis sa pangalan ni Olympic pole vaulter at reigning Asian-record holder na si Ernest John ‘EJ’ Obiena.

Tinukoy ni Tolentino ang liham ng COA sa Philippine Sports Commission (PSC) na nagsasabing walang anumang notice of suspension at notice of disallowance ang ipinataw kay EJ kaugnay sa ₱12.34 milyong financial assistance na ipinagkaloob sa kanya ng gobyerno mula Hunyo 2019 hanggang Agosto 2020.

Giit ni Tolentino, malinaw sa resulta ng imbestigasyon ng COA na wala kahit anumang isang iregularidad kung papaano ginamit ni Obiena ang kanya allowance mula sa pamahalaan, kasama ang pasahod sa kanyang Ukrainian coach.


Dahil dito ay binigyang diin ni Tolentino na dapat ng tuldukan ang usapin upang maibuhos ni Obiena ang kanyang buong atensyon sa pagpapalakas at lalo pang pagpapabuti ng kanyang ensayo.

Sa harap ito ng nakatakdang paglahok ni Obiena sa 1st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ngayong Mayo at sa 19th Asian Games na gaganapin naman sa China sa Setyembre.

Facebook Comments