COA: Halos 4,000 na OFWs, ilang ulit gumamit ng emergency repatriation noong COVID-19

Lumitaw sa report ng Commission on Audit (COA) na halos 4,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang gumamit ng libreng flight pauwi hindi lang isang beses kundi hanggang limang beses sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Dahil dito, pinagpapaliwanag ng COA ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung paano nagamit ng 3,707 OFW ang emergency repatriation program nang maraming beses sa pagitan ng Abril 2020 hanggang Mayo 2022.

Nakalista ang mga OFW bilang “in distress,” na nabigyan din ng libreng tirahan, pagkain, at rides sa kani-kanilang destinasyon.


Paglilinaw ng COA, ang Overseas Filipino na sinasabi umanong “in distress” ay nangangahulugan na may “medikal, psycho-social, o legal na problema na nangangailangan ng gamot, payo, o legal na representasyon sa ilalim ng Migrant Workers And Overseas Filipinos Act of 1995.

Natunton ng mga auditor ang 3,707 OFW sa Northern Mindanao, ngunit sinabi ng regional office ng OWWA doon na sila lamang ang nag-facilitate ng mga ito sa utos na rin ng central office.

Facebook Comments