COA ikinagalak ang pagmumudmod ng DOH sa mga nakaimbak na mga gamot

Ikinatuwa ng Commission on Audit ang pagmamadali ng Department of Health sa pamamahagi ng mga nakaimbak na gamot, na malapit ng mapaso o mawalan ng bisa.

 

Ang hakbang  kasi ng DOH ay tugon sa 2018 report ng Commission on Audit patungkol sa mga malapit na masirang gamot at sobra-sobrang imbak na nagkakahalaga ng  Php 295.767 million noong January 31, 2019.

 

Matatandaan na una ng inihayag ng  DOH na ipinamamahagi na ang nasabing mga overstock at malapit na ma-expired na gamot gaya ng  stocks filariasis kits, CD4 cartridge kits, Tuberculin PPD at  Japanese Encephalitis vaccines.


 

Ang natitirang metformin inventory na 133,500 units mula sa 988,800 units, ay ipamumudmod na sa Local Government Units, Centers for Health and Development (Regional Offices) at mga DOH hospitals para magamit ng mga pasyente sa  Out Patient Departments hanggang katapusan nitong  July 2019.

 

Ang mga stock ng micronutrient powder sachets  na 84,100,140 units mula sa 157,060,620 units ay ipamimigay sa mga Pediatric Patients sa mga DOH Hospital, NGOs, mga ampunan gayundin sa  Supplementary Feeding Program and Reception aStudy Centers for Children.

 

Rekomendasyon kasi ng COA sa  2018 report, na dapat puspusan ng asikasuhin ng  DOH Team ang mga gamot na malapit ng ma expired  upang maresolba ang isyu sa  overstocking, distribution at pag-iimbakan.

Facebook Comments