COA, inutusan ang Phil Army na ipamahagi ang ayuda sa mga nasugatang sundalo noong Marawi siege

Manila, Philippines – Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Army dahil sa kabiguan nitong ipamahagi ang halos ₱50 million na halaga ng tulong pinansyal sa mga sundalong ‘wounded-in-action’ sa Marawi siege.

Base sa annual audit report ng COA, mula Mayo hanggang Oktubre 2017 ay nasa ₱47.6 million ang hindi pa nagagamit mula sa ₱235 million na assistance para sa mga sugatang sundalo.

Lumalabas din na ang army donations para sa financial assistance sa legal beneficiaries ng mga army personnel na nasawi sa bakbakan ay umabot sa ₱147 million, kung saan ₱128.5 million lang ang nagamit.


Nasa ₱40.122 million ang nagastos para sa biyahe ng isang babaeng army personnel sa Hong Kong para sa observation tour on safety and security.

Inirekomenda ng COA na bumuo ng specific guidelines para sa receipt, utilization at liquidation ng mga donated Marawi fund na nakalaan para sa mga nasugatang sundalo.

Inatasan din ng COA ang army na ipaliwanag ang overpayment sa pamilya ng mga sundalong nasawi.

Sa ngayon, sinabi ni Army Spokesperson, Lieutenant Colonel Ramon Zagala na bumubuo sila ng tugon para rito.

Facebook Comments