COA, magpapatupad ng mandatory geotagging para wakasan ang mga ghost project

Nag-isyu ng bagong guidelines ang Commission on Audit (COA) na nagtatakda ng mandatory geotagging para sa lahat ng infrastructure projects sa pamahalaan.

Ang hakbang na ito ay tuluyang masugpo ang mga ghost project at mapigilan ang falsified billing at ang maling paggamit ng pondo ng bayan.

Ayon sa COA, kanila nang minamadali ang pinal na pag-apruba sa panuntunang na ‘Mandatory Geotagging for All Infrastructure Projects of National Government Agencies, LGUs, and GOCCs’.

Nakapaloob dito ang pagsusumite ng GPS-based geotagged photos sa bawat yugto ng proyekto hanggang matapos ito sa itinakdang warranty period.

Ani COA Chairperson Gamaliel Cordoba na ito ang tugon nila sa paulit-ulit na panawagan ng publiko para sa mas mahigpit na transparency.

Aniya, ‘no payment without verification’ ang malinaw na mandato ng bagong polisiya.

Sa ilalim ng bagong guidelines, hindi maaaring markahang kumpleto ang isang proyekto at hindi rin dapat maglabas ng bayad nang walang naisusumiteng kumpletong geotagged photos na may eksaktong GPS coordinates, petsa at oras.

Bago rin ito aprubahan, daraan din ito sa beripikasyon ng COA audit teams.

Facebook Comments