Manila, Philippines – Umaasa si Senator Panfilo Ping Lacson na magkakaroon ng positibong aksyon ang pamahalaan kaugnay sa report ng Commission on Audit o COA.
Paliwanag ni Lacson, kung seryoso ang administrasyon na labanan ang korapsyon ay dapat mas mapa-igting ng COA report ang mga hakbang nito kontra katiwalian.
Pahayag ito ni Lacson makaraang lumabas sa report ng COA na kwestyunableng lomobo ang gastos ng Presidential Communications Operations Office o PCOO dahil sa idinaos na ASEAN summit.
Ipinunto ni Lacson na kung isasantabi lang ng administrasyon ang nabanggit na findings ng COA ay magmimistulang hanggang salita lang ang ipinapangalandakan nitong kampanya laban sa katiwalian.
Facebook Comments