COA REPORT | Makati City, nananatiling pinakamayamang lungsod

Nananatiling pinakayamayamang lungsod sa buong Pilipinas ang Makati City.

Base sa 2017 annual financial report on local government ng Commission on Audit (COA), ang assets ng Makati City ay sumampa na sa ₱196.57 billion.

Mas mataas ito kumpara sa ₱49.49 billion noong 2015 at ₱54.85 noong 2016.


Bumaba sa ikalawang pwesto ang Quezon City na may ₱68.33 billion total assets.

Nananatiling nasa ikatlong pwesto ang lungsod ng Maynila na may ₱38.68 billion.

Sa panlalawigang kategorya, ang Cebu ang pinakamayamang lalawigan nitong 2017 na may ₱34.14 billion total assets.

Pumangalawa ang Compostela Valley na bago sa listahan na may ₱18.95 billion.

Umakyat sa ikatlong pwesto ang Batangas na may ₱15.57 billion.

Sa pang-munisipalidad na kategorya, ang bayan ng Cainta sa Rizal Province ang pinakamayaman nitong 2017 na may total assets na ₱3.988 billion, kasunod ng Sual, Pangasinan na may ₱2.528 billion.

Pumangatlo ang Limay, Bataan na may ₱2.43 billion total assets.

Facebook Comments