COA, sisilipin din ang presyo ng COVID-19 vaccines

Sisilipin ng Commission on Audit (COA) ang presyo ng mga COVID-19 vaccine kahit na mayroong pinasok na non-disclosure agreement ang gobyerno at mga manufacturer ng mga bakuna.

Ayon kay COA Chairperson Michael Aguinaldo, magsasagawa sila ng audit sa paggastos na ginawa ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 sa pagbili ng mga bakuna.

Aniya, nagpalabas na ang COA ng guidelines sa kanilang mga auditor kaugnay ng pag-audit sa national vaccination program dalawang buwan na ang nakakaraan.


Maging ang mga donasyo aniyang bakuna ay isasama sa audit.

Nabatid na batay sa non-disclosure agreement ng gobyerno at mga COVID-19 manufacturer ang hindi pagsasapubliko ng presyo ng bakuna.

Facebook Comments