Coach Chot Reyes, hindi na umaasa na makakasama si naturalized player Andray Blatche sa Gilas Pilipinas sa FIBA Cup

Sports – Hindi na umaasa si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na makakapaglaro pa sa koponan ang naturalized player na si Andray Blacthe.

Nabatid na naantala ang pagdating ng 6’11’’ player noong Nobyembre 12 dahil tinapos muna nito ang kanyang laro sa Chinese Basketball Association.

Sa kabila nito, sinabi ni Reyes – na handa nang sumabak ang Gilas laban sa Japan kung saan balak niyang ipasok ang all-Filipino players.


Pero wala pa aniyang pinal na line-up para sa nasabing laban.

Nakatakdang tumulak patungong tokyo ang Gilas Pilipinas sa Martes, para sa naka-schedule nitong laban kontra Japan sa Nobyembre 24, Biyernes.

Facebook Comments