Coach Gao Kaiwen, magiging consultant pa rin ni Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz

42

Magiging consultant na ng Team HD ang dating headcoach na si Gao Kaiwen ayon kay Hidilyn Diaz.

Paliwanag ni Diaz, nais ni Gao na makasama ang kaniyang pamilya matapos ang matagal na pagkakawalay nang 18 na buwan dahil sa training sa Malaysia na inabutan pa ng lockdown.

Nagpapasalamat naman si Diaz sa oras at kaalaman na ibinahagi ni Gao para makamit ang gintong medalya sa Tokyo Olympics.


Bago pa man i-training ni Gao si Diaz ay naging coach rin ito ng dalawang weightlifters na sina Chen Xiexia at Zhou Lulu.

Facebook Comments