Coach Guiao, dismayado sa mga maling tawag ng mga referees sa kanilang pagkatalo sa TNT

Dismayado si NLEX coach Yeng Guiao sa mga maling tawag ng referee sa kanilang pagkatalo kontra TNT KaTropa kagabi sa score na 85-80 sa PBA Philippine Cup.

Bukod sa mga maling tawag, natawagan pa ng dalawang technical foul si Guiao kaya at na-eject ito sa laro.

Ayon kay Guiao, may mga obvious na dapat na itawag ang mga referee pero tila hindi daw nila ito nakikita kung saan siya pa ang napag-initan dahil sa kaniyang mga reklamo.


Umaasa naman si Guiao na ire-review ng PBA officials ang naging laro nila para mapag-aralan kung ano ang dapat i-adjust sa mga susunod na laro.

Facebook Comments