Coach Jong Uichico, pressured sa pagiging head coach ng Gilas Pilinas na sasabak sa sea games

Sports – Inamin ngayon ni Jong Uichico na nakakaramdam niya ng pressure bilang head coach ng Gilas Pilipinas na sasabak sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay Coach Jong, malaking responsibilidad ang kaniyang hahawakan dahil target ng Pilipinas na makuha ika-labing walong kampeonato sa basketball tournament sa 29th sea games na magsisimula sa Agosto-a-bente nueve.

Kumpiyansa naman si Uichico kay Fil-German Christian Standhardinger na mas mahihigitan nito ang pagkawala ni Andray Blatche na naunang nagsabi na hindi ito makakalaro para sa bansa.


Ilan sa mga kasamang players ni Standhardinger sa Gilas ay Sina Mike Tolomia, Baser Amer, Almond Vosotros, Von Pessumal, Kevin Ferrer, Carl Bryan Cruz, Raymar Jose, Bobby Ray Parks Jr ,Kiefer Ravena at Kobe Paras.

Facebook Comments