Coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes, nag-sorry sa publiko matapos ang magkakasunod na talo ng koponan sa nagpapatuloy na Fiba Basketball World Cup

Nag-sorry ang coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes sa publiko matapos ang magkakasunod na talo ng koponan sa nagpapatuloy na Fiba Basketball World Cup.

Matatandaang nakatanggap din ng pangbabash ang sisenta anyos na coach mula sa mga netizen kung saan may iba na pinagreresign na siya.

Ayon kay Reyes, aakuin niya ang responsibilidad sa kinahinatnan ng laban ng Gilas na wala pang naipapanalo sa nasabing tournament.


Pero sa kabila nito, iginiit ni Reyes na proud siya sa ibigay na effort ng team para pangatawanan ang bansa.

Samantala, puspusan muli ang paghahanda ng Gilas para sa laban nila kontra China ngayong araw, September 2 sa Smart Araneta Coliseum.

Facebook Comments