Coach ng volleyball, patay sa pamamaril sa Q.C

Manila, Philippines – Patay sa mismong pinangyarihan ng krimen ang isang volleyball coach matapos pag babarilin ng hindi na kilalang suspek sa Q.C kagabi

Kinilala ang biktima na si Conrado Fonseca Jr. 36, aminadong adik at sumuko na sa oplan tokhang.

Ayon sa mga saksi, nakatambay lang sa tindahan ang biktima sa lower Molave Brgy. Payatas ng lapitan at paputukan ng 2 beses ng riding in tandem.


Hindi na namukhaan ang mga suspek na nakasuot ng bonet at nakaitim na jacket.

Matapos mamaril sa ulo , tumagas agad ang mga gunman gamit ang hindi naplakahang motorsiklo.

Hindi pa matukoy ang motibo sa krimen kung ito ba ay dahil sa droga o konektado sa pag tuturo nya ng volleyball sa mga babae.
DZXL558, DK Zarate

Facebook Comments