Coach Nick Nurse, extended ang multi-year contract sa Toronto Raptors

24

Extended ang kontrata ni Coach Nick Nurse Sa Toronto Raptors.


Ito ay matapos na lumagda si Nurse ng panibagong multi-year contract extension sa koponan.

Matatandaan kahit natalo sila, itinanghal pa rin si Nurse bilang 2019-2020 NBA Coach of the Year nang gabayan niya ang Raptors sa pagsungkit ng kanilang NBA title noong nakaraang taon.

Natanggal ang team sa Eastern Conference semi-finals nang pataubin ito ng Boston at natapos ang season taglay ang 53-19 record na second best sa NBA.

Sa dalawang seasons niya sa Raptors, humakot si Nurse ng 111 wins laban sa 43 defeats sa regular season play habang sa playoffs naman ay nagkaroon siya ng 23 games at 12 losses.

Facebook Comments