Coach Yeng Guiao, no comment sa isyung siya ang kukuning mentor ng basketball team ng Pilipinas sa Asian games

Manila, Philippines – Ayaw munang magsalita ni NLEX Road Warriors coach Yeng Guiao sa lumalabas na balitang napipisil siya bilang mentor ng Gilas Pilipinas sa darating na 2018 Asian games.

Ayon kay Guiao, hindi pa nito nakakausap ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), ang Philippine Basketball Association (PBA) o kahit ang Rain or Shine na siyang magiging representative sa nasabing tournament.

Nabatid na sa orihinal na plano, ang mg player ng TNT KaTropa ang ipapadala sa Indonesia, ngunit nabasura ito dahil sa pagkakasuspinde ng kanilang mga players na sina Troy Rosario, Terrence Romeo, RR Pogoy at Jayson Castro kasunod ng naging partisipasyon nito sa rambol noong July 2 kontra Australia.


Pero mas gusto naman ni Guiao na dapat ay si Elasto Painters head coach Caloy Garcia ang dapat na kunin dahil mas kilala na nito ang kaniyang mga players.

Facebook Comments