Coalition Against Corruption pinagbibitiw na si Sec. Dominguez

959

Manila, Philippines – Naniniwala ang grupong Coalition Against Corruption na ang Military Takeover sa loob ng BOC ay isang malaking insulto kay DOF Carlos Sonny Dominguez III.

Base sa kalatas na ipinalabas ng Coalition Against Corruption mistulang walang pakialam ang Department of Finance (DOF) tungkol sa umano ay sa dalawang top two revenue generating agencies ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na sinasabing BIR at BOC ang most corrupt government agencies.

Paliwanag ng CAC sa kabila ng pagdeklara ni Pangulong Duterte na war on corruption, ang DOF ay nagsawalang kibo upang tugunan ang problema ng dalawang ahensiya ng gobyerno.

Pananaw ng grupo ang military “takeover” sa BOC, ay maliwanag umanong pagtanggap ng DOF na hindi nila kayang kontrolin ang BOC.

Giit pa ng CAC isang malaking hamon umano kay Secretary Dominguez, sa kanyang halos tatlong panunungkulan sa DOF na kung hindi umano nito kayang sawatain ang kurapsyon sa BOC mainam na anilang magbitiw nalamang ito sa kanyang tungkulin.

Facebook Comments