Coalition government sa NPA, tinabla ni Mayor Isko Moreno

Hindi pabor si Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno na magkaroon ng coalition government ang Pilipinas sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito ang binigyang diin ng alkalde sakaling maupo siya bilang pangulo ng bansa.

Ayon pa sa alkalde, para sa kapayapaan ng bansa; handa siyang kausapin ang NPA.


Bukod dito, nais din niyang tanggapin ang mga ito pabalik sa lipunan pero iisang bandila lang ang kanyang isusulong at ito ay ang bandila ng Pilipinas.

Ang nasabing pahayag ni Mayor Isko ay kasunod ng isyu na nag-ugat sa binitawang salita ni Partido Reporma Standard Bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson na napasok na ng NPA ang kampo ni Vice President Leni Robredo na una naman itinaggi ng kaalyado ng ikalawang pangulo.

Facebook Comments