COAST GUARD DISTRICT NORTHWESTERN LUZON, NAKAALERTO NA SA OPLAN SUMVAC AT OPLAN SEMANA SANTA

Nakaalerto na ang Coast Guard District Northwestern Luzon sa mga karagatang Sakop nito sa papalapit na summer vacation at pagdiriwang ng Semana Santa.

Sa Kapihan sa Ilocos ng PIA, inihayag ni Lt. Jr. Juanito Milad ang Commanding Officer ng Special Operations ng CGDWNLZN, ang kanilang kahandaan dito.

Aniya, layunin nilang mabawasan o walang maitalang pagkalunod sa inaasahang pagdagsa sa summer at semana santa.

Patuloy naman ang isinasagawa nilang Daily Maritime Patrols, Foot Patrols at Baywatch katuwang mga lokal na pamahalaan.

Dagdag din diyan ang isinasagawa nilang training at awareness seminar kasama ang mga LGUs upang maisakatuparan ang kanilang layunin.

Nagpaalala naman ang hanay na kung sakaling makaasaksi ng insidente ng pagkalunod ay maiging suriin muna ang sitwasyon kung kaya itong personal na iligtas at mainam din umano na matuto ang bawat isa sa basic life support.

Ngayong buwan ng Marso ay ipinagdiriwang ang Drowning Prevention Month. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments