Coast Guard Districts sa Bicol Region, naka-heightened alert na sa pagtama ng Bagyong Ulysses

Inatasan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng coast guard districts nito sa Bicol Region na mag-heigtened alert dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay PCG commandant Admiral George Ursabia, binigyan na ng direktiba ang mga coast guard unit commanders sa mga lugar na dadaanan ng bagyo na paigtingin ang precautionary measures.

Layunin nitong matiyak ang ‘zero maritime incident’ at makapagsagawa ng proactive disaster response operations.


Ang lahat ng coast guard vessels ay inatasan munang dumaong sa Visayas habang ang response teams sa Bicol, Metro Manila, Quezon Province, Rizal, Bulacan, Bataan at Zambales na i-alerto ang kanilang mga tauhan at inspeksyunin ang search and rescue assets at equipment para sa evacuation at  rescue operations.

Facebook Comments