Nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi idudulog sa United Nations ang bagong batas ng China na nagpapahintulot sa kanilang coast guard gumamit ng dahas laban sa alinmang foreign vessels na papasok sa South China Sea.
Matatandaang iminungkahi ni Retired Senior Associate Justice Antonio Carpio na maaaring makiusap ang Pilipinas at iba pang ASEAN nations sa UN tribunal na ideklara ang Coast Guard Law na walang bisa sa ilalim ng international law.
Pero hindi sang-ayon dito si Locsin at iginiit na wala kailangang depensahan dahil nanalo na ang Pilipinas sa The Hague tribunal.
Mas lalaki lamang ang tiyansang maungkat muli ang arbitral award ng Pilipinas.
Pagtitiyak ni Locsin na maisasapinal ang code of conduct sa South China Sea bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sakaling magkaroon ng insidente sa karagatan, nangako na ang Estados Unidos na tutulong sa Pilipinas.
Para naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, dapat magpatuloy lamang ang mga Pilipino na mangisda sa West Philippines Sea.
Ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy ay magsasagawa ng patrols sa lugar para sa kanilang proteksyon.