Kasabay ng inaasahang pagdagsa ng maraming mga bakasyunista sa ibat-ibang mga resort at beach ngayong tag-init.
Muling nagpaalaa ang Philippine Coast Guard sa publiko na doblehin ang pag-iingat para makaiwas sa disgrasya.
Ayon kay Coast Guard Spokeperson Capt Armand Balilo, una dapat siguruhin ng mga beachgoers na may mga nakatalagang life guards sa mga pupuntahang resort.
Sa mga resort owner, dapat tiyaking may mga nakahandang sapat na gamot o mga first aid stations na handang magbigay ng tulong sakaling may emergency.
Dapat ding tiyakin kung may mga safety nets, flag signals at mga buoy markers o mga floating markers sa lugar na paglalanguyan.
Maari din magdala ng mga personal na first aid kits ang pamilya sa inyong pagbabakasyon.
Makatutulong din ayon sa Coast Guard kung alam ninyo ang mga emergency numbers nang pupuntahang mga beach o resorts.