Coast guard personnel na tinamaan ng COVID-19, 365 na!

Nadagdagan pa ng panibagong 52 ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpositibo sa COVID-19.

Bunga nito, umaabot na sa 365 ang mga tauhan ng Cost Guard na nagpositibo sa virus.

256 naman sa naturang bilang ang active cases.


Karamihan sa mga tinamaan ng COVID-19 sa PCG ay frontliners na tumutulong sa paghahatid ng Locally Stranded Individuals sa mga lalawigan

26 naman ang panibagong recoveries, kaya umaabot na ngayon ang total recoveries sa 109.

Facebook Comments