Umiiral pa rin ang polisiya na nagbabawal sa pagligo, pangingisda, surfing at pagpalaot sa baybaying sakop ng Dagupan City.
Ito ay dahil pa rin sa nararanasang epekto ng tail-end ng Bagyong Nando at habagat na posibleng magdulot ng mataas na alon at malakas na agos ng tubig.
Nakalagak pa rin ang signage sa dalampasigan bilang paalala sa publiko.
Nagbigay abiso ang awtoridad na huwag maging pasaway at mahigpit ang implementasyon sa nasabing polisiya.
Samantala, bukod dito ay tuloy rin ang pagbabantay sa mga low lying areas sa lungsod na apektadong muli ng pagbaha na minsan ay sinasamahan pa ng hightide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









