Nananatiling positibo sa red tide toxin ang mga katubigang sakop ng Anda at Bolinao, ayon sa pinakahuling abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1.
Kaugnay nito, mahigpit pa ring ipinatutupad ang pagbabawal sa pag harvest, pagbenta, pagbili at pagkain ng mga shellfish products na nagmumula sa mga apektadong lugar.
Sa lungsod ng Dagupan, nagmahal ang presyuhan ng ilang shellfish products tulad ng tahong kung saan, mula sa P70 hanggang P80 na dating presyuhan nito, ngayon ay nasa P100 hanggang P140.
Ayon sa mga shellfish vendors, nararanasan daw ang konting produksyon lalo na at ang isa sa malakas pagkuhanan ng mga ibinabagsak sa fish market ay mula sa Bolinao.
Sa ngayon, ang mga ibinebentang tahong ay nagmumula umano sa Bataan.
Samantala, ligtas namang kainin ang mga isda, lamang dagat at iba pa basta tiyakin ang maiging paghugas, paglilinis at pagluluto sa mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









