COASTAL AREAS SA LALAWIGAN PANGASINAN, LIGTAS SA TOXIC RED TIDES

Ligtas ang ilang partikular na mga coastal areas sa lalawigan ng Pangasinan mula sa toxic red tides, ayon sa inanunsyo ng pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1.
Base sa Shellfish Bulletin No. 27, series of 2023, ligtas ang mga uri ng Shellfish na nagmumula sa mga baybayin ng Bolinao, Anda, Alaminos City, Sual at Bani sa lalawigan, maging ang Rosario at Sto. Tomas sa lalawigan ng La Union.
Hindi nakikita ang mga ito na apektado sa toxic red tides kaya’t idineklarang ligtas para sa human consumption o maaaring kainin ang mga ganitong uri.

Samantala, ang pagkonsumo ng nakakalason na shellfish ay maaaring humantong sa paralytic shellfish poisoning na nakakaapekto sa nervous system sa loob ng 30 minuto pagkatapos ng paglunok. Nagdudulot din ito ng panginginig ng labi at dila na kumakalat sa mukha, leeg, dulo ng daliri at paa kayat mahalagang malaman kung ang mga kinakain ng shellfish products ay malaya sa toxic red tides. |ifmnews
Facebook Comments