COASTAL AREAS SA LAMBAK NG CAGAYAN, NARATING NA NG ESSI UPANG MAGHATID NG TULONG

Cauayan City – Tuluy-tuloy ang ginagawang pagpapalawak ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) ang suporta para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa mga coastal at island areas ng lambak ng Cagayan sa pamamagitan ng Enhanced Support Services Intervention (ESSI).

Mula sa Island Municipality ng Calayan, Cagayan hanggang sa liblib at bulubunduking bahagi ng Divilacan at Dinapigue sa Isabela, nakapagpaabot ng tulong ang ahensya sa 105 na mga 4Ps beneficiaries.

Pitong benepisyaryo rin mula sa Fuga Island ang nabigyan ng House Rental Subsidy sa pamamagitan ng Alternate Family Home initiative upang tulungan sila na sundin ang mga kondisyon ng nabanggit na programa.


Kabilang sa mga ibinigay na suporta ay ang eco-cultural livelihood assistance at income generating projects tulad ng hog/swine raising and fattening, sari-sari store businesses, pati na rin ang mga starter kit upang matulungan ang mga benepisyaryo na makabuo ng negosyo na maaari nilang mapagkunan ng kita.

Facebook Comments