Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na ligtas kainin ang mga lamang dagat o mga shellfish na mula sa coastal waters ng Western Pangasinan tulad ng Alaminos City, Bani, Bolinao, Anda at Sual.
Ito’y matapos na siyam na coastal areas sa bansa ang nagpositibo sa red tide toxin.
Batay sa Shellfish Bulletin Number 31 eries of 2021 na inilabas ng ahensiya na ang hipon, alimango o alimasag mga sea shells tulad ng tahong o oyster ay wala din umanong nakakalason na kemikal o red tide toxins at ligtas kainin ng mga tao.
Bilang precautionary measure umano, lahat ng market inspectors, quarantine officers o administrators ay pinayuhan ng ahensiya na humingi ng Auxiliary invoice sa mga biyahero na magmumula at makukuha ng mga ito sa lokal na gobyerno na pinanggaligan ng mga huling lamang dagat.
Kailangan din umano ng Local Transport Permit na mula sa BFAR sa lahat ng fishery products kabilang ang mga seashells upang masiguro umanong hindi ito galing sa lugar na positibo sa Paralytic Shellfish Poisoning o PSP.
###
COASTAL AREAS SA WESTERN PANGASINAN, NEGATIBO SA RED TIDE TOXIN
Facebook Comments