Isinagawa ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang isang coastal clean-up sa bahagi ng baywalk sa Brgy. Poblacion, Lingayen.
Humigit-kumulang 230 katao ang lumahok sa aktibidad, kabilang ang hanay ng Pangasinan PPO, iba pang police stations at units, mga kinatawan mula sa mga lokal na pamahalaan, stakeholders, at mga estudyante at volunteers.
Sa isinagawang paglilinis, tinanggal ang naipong basura, nagsagawa ng wastong segregation, at inalis ang mga plastik at debris sa baybayin bilang bahagi ng patuloy na kampanya para maibalik ang kaayusan ng coastal environment at maisulong ang pangangalaga sa kalikasan.
Layunin ng aktibidad na magkaroon ng mas malinis at mas maayos na baybayin, mas mataas na kamalayan ng publiko sa pangangalaga ng kapaligiran, at mas matibay na ugnayan sa pagitan ng Pangasinan Police, LGUs, at community partners.
Patuloy namang sumusuporta ang Pangasinan PPO sa mga programang nagpoprotekta sa kalikasan at komunidad.








