Nagsagawa ng Coastal Clean Up ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama ang ilang ahensya ng gobyerno at mga non-local government units sa Tondaligan Blue Beach kahapon.
Higit tatlong oras ang isinagawang coastal clean up at ilan sa mga napulot sa baybayin ay mga plastic na kadalasan iniiwan ng mga beachgoers. Ayon kay DENR Regional Director Maria Dorica Naz-Hipe bahagi ito ng selebrasyon ng Earth Day noong lunes at pagbibigay kaalaman sa mga tao ukol sa pagprotekta sa mga baybayin. Aniya mandato ng ahensya ang lingguhan o buwanang paglilinis sa mga baybayin at estero upang hindi bumara ang mga basura dito at paalala nito na bitbitin ang mga basura kung aalis na. Sa Hunyo naman inaasahan ang susunod na coastal clean up.
-Ulat ni Christine May De Guzman at Christine Bennett [image: 58462683_363987704232754_6445532698998996992_n.jpg]
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>
Coastal Clean Up isinagawa sa Tondaligan Blue Beach sa Dagupan City bilang bahagi ng selebrasyon ng Earth Day
Facebook Comments