Sa pagdiriwang ng International Coastal Cleanup ay nakiisa Department of Environment and Natural Resources Pangasinan na nagpulot at naglinis sa coastal area ng Bonuan-Tondaligan Blue Beach Park sa Dagupan City.
Nagsama sama ang iba’t ibang sektor na naglinis mula sa mga estudyante, residente, Non-government organization, local government ng Dagupan, Waste Management Division, Provincial Gov’t, Maritime Police, Red Cross Dagupan.
Ayon kay Engr. Raymundo Gayo, Provincial Officer ng DENR Pangasinan, na mahalaga umano ang paglilinis sa mga coastal areas na nakakalikha ng kabuhayan, tourist destination.
Dapat umano na pangalagaan ang ecosystem at huwag magtatapon ng mga basura na maaaring ikamatay ng mga lamang dagat dahil ito ay polluted na. Dagdag pa nya na tutukan din nila ang clearing operations sa mga istruktura sa gilid ng dagat dahil sila umano ang isa sa pinagmumulan ng mga basura.
Ilan sa mga nakolektang basura ay mga plastic bags, plastic wrappers ng mga pagkain, diapers at upos ng sigarilyo.
Samantala, nagsagawa din ng mga coastal clean up sa mga coastal areas ng Pangasinan tulad ng San Fabian at Binmale maging sa Alaminos.
Coastal Cleanup isinagawa sa Tondaligan Blue Beach sa Dagupan City
Facebook Comments